Monday, July 7, 2008

BADANG interview...

DISCLAIMER:



All the answers provided by the subject is purely based on his personal reactions to the questions asked. In no way will the interviewer be responsible for these said answers....







After a couple of shots of brandy and with Enzayne One, Esse, Jskeelz, Toney C, Chubb-B at Chubb-B's crib, me and Badang set off to Third Floor Man's place to commence with the interview. After a short rest and a couple of PS2 games with Third Floor Man me and Badang started the session.....







And the interview goes...







LOWDOWN:Balita pare?medyo natagalan tong interview ish na to naging busy din kasi ako e...musta....



BADANG:Eto ok lang....umpisa na tayo...hehehe...



LOWDOWN:OK, ok cool...I got the questions....You ready?



BADANG:Sge banat!!



LOWDOWN:First question bro, why the name Badang?



BADANG:Since birth, yan yung pangalan na bigay ng nanay ko. So, yun, pinanindigan ko na at di nako gumamit ng ibang stage name , from Kamandag ng Marikina yan na ang gamit ko. Kaya nakilala nako sa Badang mula noon hanggang ngayon. Lalo ko pa pinanindigan yung pangalan na yun nang malaman ko na kapangalan ko pala yung isang "legendary asian strong man".Hehehe. Search nyo!! Sobrang tuwa ko e ginawan ko pa ng kanta na ang pamagat eh "Badang,
Pu$@ng!^@^g Pangalan Yan". Hehehehe...



LOWDOWN:That's cool kapatid!!!Now, how did you got hooked up with Rap Music?



BADANG:Nagumpisa sa pakikinig, tapos mga rap contests. Nuod ng nuod ng mga palabas tungkol sa rap. Dati din akong break dancer tapos napagtanto ko na mas maipapahayag ko ng mas buo ang sarili ko sa rap. Naisip ko din sa sarili ko na para akong isang kakaibang mamamahayag sa rap, kasi dito kaya kong sabihin o ikwento ang lahat kahit pa tungkol sa personal kong buhay.



LOWDOWN:Wurd on that...Rappers do have more freedom that journalists. Now, on your personal perspective, which rap acts influenced you the most?Local and foreign.



BADANG:Local?Hmmm..Buong Death Threat and syempre, Francis M. Foreign, NWA, Eazy E, Bone Thugs, Eminem lyricist sobra yung tao na yun e. Syempre Jay Z, matindi yun!!!Di lang basta lyricist, nagsusulat sa utak, isipin mo
mailto:yun!!!!P%+@^n!^@!!! henyo!!!!



LOWDOWN:Hahahaha...Hell yeah he a genius!!Now, to the next question. What do you think about the current Hip hop scene, I mean the local Hip hop scene?


BADANG:Ngayon, medyo do or die eh, eto paliwanag ko dyan. For example, unang una, iilan lang ang magaling na nabibigyan ng break gaya nila Andrew E., Francis M., Death threat at Gloc 9. Noong panahon na iilan pa lang sila e once in a blue moon pa ang sumikat. Kumbaga kumpara ngayon na sobrang dami na ng mga artists na ilan sa mga baguhan e akala nila e mas magaling pa sila sa nauna na sa pananaw nila e supot na. Pakiramdam nila na porke sumikat sila dahil sa pirata e napakataas na nila. May pag asa ang hip hop sa Pinas kung makapasok tayo sa international scene. Ganun kahirap ang hip hop sa Pinas.

LOWDOWN:Ahright...that's personal point of view for ya'll. Now to the next question bro, what can you offer for Pinoy rap?

BADANG:Sa ngayon, maiaambag ko sa eksena?....siguro gumawa na lang ng gumawa ng mga kanta na maipaparinig ko sa lahat na buhay pa ang hip hop, wala akong pake kung kikita ako o hindi. Pero syempre may hangganan. Kasi syempre dadating din sa point na magkakapamilya din tayo na kailanagan nating suportahan. Pero sa ngayon, todo bigay para sa industriya. Pagkadating na lang ng panahon na magkapamilya ako e di pa din ako mawawala. Di man ako magrap, makikinig pa din ako. Kaya ako, ang mga magiging anak ko e ayaw ko magrap . Parehas lang kami ng pananaw ni Pacquiao, ayaw namin maranasan ng mga anak namin yung hirap ng nag uumpisa na di mo alam kung may patutunguhan ka. Yun e pananaw ko lang. pero hip hop pa din!!!!

LOWDOWN:yah, i know we still gon be hip hop til the last grasp of air. Now a question about how you came to the rap scene. What about red egg?whats the deal with Francis M and Red Egg?

BADANG:Tulad nyan, may Francis M at may Red Egg pa din. Pero sino sikat? Ang sikat nasa indie! Di ko sinasabi na di na sikat si sir Kiko kasi standard na ng pinoy rap scene yan e. Maglabas ng album o hindi susuportahan ng tao yan!!walang duda...

LOWDOWN:hows about them RapPublic peeps?wusup with them and you?

BADANG:RapPublic? ayun, yung iba minalas, yung iba sinuwerte, yung iba nag construction worker, yung iba naregular sa trabaho, yung iba nakulong, yung iba narehab, yung iba pinalad, yung iba kinarma, yung iba nagkapimlya, yung iba naging tambay na lang din. Buti na lang ako ako may naipundar, babuyan ko sa Zambales!!!

LOWDOWN:Arright....since we talkin about this right here, hows about you and the other members of "Kamandag ng Marikina"?

BADANG:Yung ibang members ng Kamandag ng Marikina? Mabuti ang lagay nila. Si Ariel regular sa trabaho, si Tintin nag Japan pero pag uwi nag asawa ng palamunin. Si Japjap nasa Canada na maganda buhay. Ako naman sa awa ng diyos palabas na yung pangalawang album. Baka next year mag abroad na lang ako kapag walang mangyari kahit tiga liha ng puwet o taga suplete ng balbas ng araboe okay na basta umasenso....hahaha...

LOWDOWN:Now those are really morbid thoughts man...hahaha...Any chance you guys gon hook up again?

BADANG:Basta mabuo ulit e pwedeng pwede. Pero ang Kamandag kahit dalawa lang kayang tumayo..

LOWDOWN:Now since you been hooked up with them 187 mobsta soldiers, how them boys treating you so far?

BADANG:Ok naman sa pakikisama. Syempre di perpekto ang lahat at may mga question marks pa din pero napakabuti nila sakin. Nagbago din ako nung nakilala ko sila, nagpakalbo ako at nagpatatoo ako. Tsaka dito ko lang naranasan yung araw araw lasing. Masaya kasama ang 187 Mobstaz, lalo na sa mga chicks!!! May agawan, may sulutan pero bandang huli tropa pa din, walang away, tawanan na lang. Hahaha. totoo lang to, walang kamote na hinalo sa isda!!pucha!! Pait non!!! Hahahaha!!!!

LOWDOWN:How about the boys from Tuesday Troop???

BADANG:Ganon pa din. Magbago man ang panahon, tumanda man ganun pa din Tuesday Troop pa din. Pero mahirap talaga ang buhay. Dami na din nangibang bansa at nag aral, yung iba nag negosyo na lang. Pero nandun pa din yung mga matibay na kahit barya lang ang kinikita e sige pa din, dahil nasa puso talaga nila yun. Pero nakakalungkot ang katotohonan na di mo pwede buhayin ang pamilya ang rap, realidad lang, tingnan mo si Gloc 9, kahit sobrang sikat na enag aral pa rin para sa kinabukasan.

LOWDOWN:Thats how it is...real as it gets huh...going forward, this next question is one of the most controversial and unclear beefs in the local scene. here it goes. What about your beef with Loonie? Where did it start and how about it now?

BADANG:Hmmm.....Nagsimula yun sa mga makakating dila sa RapPublic, sa mga malalakas sumipsip sa itlog ni Kiko na pati ako sinagasaan kasi kahit hindi kami ang nag champion e kami pa din yung naging carrier single, kami unang lumabas sa TV, radio at mga out of town shows. Dahil mas sikat kami, si Loonie e humanap ng butas para siraan kami kay Kiko. Unang una pa lang, di pa nag tatagalog si Pkso e Kamandag na ang front act ni Kiko sa mga shows, tapos yung iba kanya kanya nang sipsipan. Nainggit sila sakin kasi naging Production Assistant ako ni Kiko sa Filipino Pictures. Bakit daw ako may trabaho tapos yung iba puro rap lang. Hanggang kumalat na yung bacteria na kesyo si ganito o si ganito e paborito, kaya yun. Hanggang nagkasundo yung Stick Figgas at Crazy Ass Pinoy e nagkasundo na siraan ako kay Kiko. Gusto talaga nila ako pabagsakin para makalapit sila lalo kay Kiko. Isa pang pinagtataka ko e di nila ako pinapansin tapos ganun pala sinisiraan pa nila ako sa ibang grupo. Hanggang sa nagkainisan na at nagkagulo at hanggang sa maniwala si Kiko sa kanila kasi mas maraming bibig yun e. Hanggang saPHHA III e di ko na napigilan e binato ko si Loonie. Buti na nga lang e di ko siya binalian ng leeg e. Dahil nung time na yun e nag aaral ako ng MMA. Tapos tinira ako ni Loonie sa "Isang Bara Ka Lang". Obvious na inggit pa din yun kasi best friend ko si Lito Camo e, na guest pa namin sa album ng Kamandag si Lito Camo. Di naman ako tinablan sa tira nya, di ko na lang pinapansin kasi kawawa naman e, tulad ngayon binitiwan na siya ni Kiko. Pinalayas pa siya ni Dice kasi hindi nagbayad ng upa at ang ginawa pa e nakipagsuntukan kay Dice. Kaya ang ginawa e humingi siya ng tulong kay Kiko dahil nga pinalayas siya. Binigyan siya ng Php 30 thousand ni Kiko, eto namang Loonie imbes na ipang upa e nakitira na lang kay Jay Flava kasama yung girlfriend nya at hindi nag aambag sa bahay ni isang lata ng sardinas man lang kahit may pera. Tapos iniwan siya ng girlfriend nya at yung Php 30 thousand na bigay ni Kiko e pinang shabu nya. Tapos umuwi kila Jay na nagsisigaw ng "Jay Flava, buksan mo yung pinto!ako ang pinakamagaling na rapper sa Pilipinas!". Kaya ayun, naghinala na si Jay Flava na may topak na si Loonie. Pinagtakpan pa din ni Jay Flava si Loonie kay Francis na di sa kanya nakikitira, kaya medyo nasira si Jay Flava kay Francis. Si Jay Flava mismo nagkwento nyan. Hanggang sa sobrang broken hearted si Loonie e nag ubos ng pera sa drugs. kaya ayun awa ng diyos e na rehab ng dalawang araw, tumawag si Jay mga magulang ni Loonie para kunin yung mga gamit sa bahay niya. Nang makuha ng mga magulang ni Loonie yung mga gamit nya at masundo siya sa rehab e nilipat siya sa rehab sa Cebu ng isang buwan. Sa awa ng diyos nakalabas na daw pero kapag kausap mo e iba na ang takbo ng utak at pag iisip. After nun nag text sya kay Kiko at nagsabi na "Ser gusto ko na bumalik sa hiphop, buuin ulit natin ang stick figgas". isa lang sagot ni Kiko, tama na yung niloko mo ko sa halagang Php 30 thousand. Sapat nayun para patunayan mo kung sino ka. Kaya ayun, binitiwan na siya ng tuluyan ni Kiko. Kaya napapansin nyo na wala nang shows si Loonie, di na naglululutang dahil nawala na siya ng tuluyan sa kandungan ni Kiko. Paikot-ikot lang yan. Nalason ang ahas sa sarili niyang kamandag. Di ko pa nga siya tinira ng husto e wala na siyang carreer. Totoo lang, ang tangi kong kaaway sa hiphop e si Loonie lang. Kaya sa awa ng diyos e si Badang may carreer pa yung iba e wala na......Talamat!!!!! Hehehehe......

LOWDOWN:Ariggght...Now you got yo side out, lets go on the lighter sid shall we? So, what you workin on for the present and the near future if i may ask?

BADANG:Mga shows, promote ng palabas na album. Yung bago kong album palabas na enttitled "Filipino Ka Ba?" under 187 Mobstaz Entertainment. Ganun lang kasimple ang buhay, masaya at maraming kaibigan.....

LOWDOWN:Keepin it rollin huh...So, about this new album, what can the listeners look forward to?

BADANG:Di ako nagyayabang, pero sila na lang ang manghusga. Pero para sakin malakas yung album. Sila na bahala humusga pagkatapos nila pakinggan. Yun lang po.....

LOWDOWN:Sounds like a surprise for everybody right? Now, just say for example a record label would offer you a record deal, would you go for it or would you rather remain indie?

BADANG:Papayag ako. Unang- una, makikilala ka talaga, lalabas ka sa TV, well promoted, walang problema sa shows automatic na kikita ka. Tsaka ang sarap pakinggan yung isa kang "signed artist" at syempre iba't ibang tao ang makakasalamuha mo. Tsaka iba ang respeto ang makukuha mo at iba din ang katayuan, kahit diktahan ka pa ng record company. Pero syempre saludo pa din ako sa indie dahil pwede mo sabihin lahat ng gusto mong sabihin ng walang pipigil sayo at mas totoo yung mga makakasalamuha mong mga tao.

LOWDOWN:Uhmmm...Okay...Now before we wrap this up, time for you to promote what it is to promote...Any shows?

BADANG:Eto sched ko:

  • July 7-Interview with Tito Potato
  • July 11-album launch sa Nevada Square, Baguio City.Kasama ko 187 Mobstaz and Tuesday Troop
  • July 11-Radio Tour:Love Radio, IFM, Campus FM, YesFM
  • July 14-Formula Bar
  • End of August-San Fernando, La Union With Dcoy, RP and MikeKosa

Dami pa e, pap post ko na lang kapag naalala ko na.

LOWDOWN:Any last words before we really wrap this up bro?

BADANG:Sana bumili kayo ng album ko. Yun lang. Salamat mga tol. Suporta lang!!!peace out!!!